Una sa Balita

Laban ni Gazini mapapanood sa ABS-CBN

0 786

Gagawin ang lahat, ‘yan ang pangako ni Miss Universe Philippines Gazini Ganados para maiuwi ang Miss Universe crown at bigyan ang Pilipinas ng back-to-back win sa 69th Miss Universe na eere nang live via satellite mula sa US sa ABS-CBN at iWant sa December 9 (Lunes), 8 AM.

Maiuwi kaya ng Cebuana beauty na si Gazini ang korona ng Miss Universe matapos gawin ito ni Catriona Gray noong isang taon?

Gaganapin ang Miss Universe coronation, na tampok ang komedyanteng si Steve Harvey bilang host, sa Tyler Perry Studios sa Atlanta, Georgia, USA.

Unang pinahanga ni Gazini, na magmula sa Talisay, Cebu, ang mga manonood sa kanyang performance sa Binibining Pilipinas 2019, kung saan nagpakita siya ng kumpiyansa, talino, at husay na nagpapanalo sa kanya. Ngayon, tutok na ang pageant enthusiasts sa kanyang pagrampa bilang pambato ng bansa upang ipakita ang kanyang tumatak na “Ganado walk” at sumunod sa yapak ng kasalukuyang Miss Universe na si Catriona.

Maaari ring suportahan ng mga Pilipino si Gazini sa panonood ng hinihintay na coronation ceremony sa SKYcable channels na 167 (Metro Manila) at 700 (regional areas), at sa online sa SKY on Demand.

Maaari namang balikan ng pageant fans ang pagrampa ni Gazini laban sa mga kandidata mula sa 92 na bansa sa Metro Channel sa December 17 ng 7pm. Magkaka-replays din ito sa December 18 (8am), December 20 (9pm), December 22 (8am), at December 25 (3pm). (Dondon Sermino)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More