Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Laban ni Aby sa psoriasis patuloy

0 269

MATAPOS magtanong ang isang netizen kay F2 Logistics Cargo Movers star Aby Maraño kung paano nito nama-manage ang psoriasis, nag-iwan ng isang payo ang sikat na balibolista patungkol sa nasabing skin disease.

“To be honest sinunod ko lang lahat ng payo ng mga doktor ko. Mag-apply ng Daivobet, lotion to moisturize my skin, kumain ng masustansya, at wag magpakastress,” hayag ni Maraño sa kanyang Instagram story.

Ayon sa veteran middle blocker, hindi parin lubusang nawawala ang kanyang psoriasis at pinaalalahanan na isa itong heredity at lifetime skin disease.

“I found out that there is an active one at my back. Ito yung last week ko pa nararamdaman na makati akala ko kagat lang ng langgam,” lahad nito.

Dagdag pa ni Maraño, “I suggest, if you have Psor it’s best to have it checked by an expert doctor. Also, please please please try to keep yourself calm and stress free mine is back. But sure I’ll get through this, ikaw rin!” (JAT)

Leave A Reply

Your email address will not be published.