Una sa Balita

Laban ng Otso Diretso pa-Senado, kasado na

By
0 782

Buo ang loob ng mga kandidato ng Otso Diretso sa pagpasok sa opisyal na panahon ng panga­ngampanya, sa gitna ng matin­ding laban na kanilang hinaharap upang maipakilala ang mga sarili at ang kanilang paninindigan.

Opisyal na inilunsad ang kampanya ng walong kandidato nitong Miyerkules, Pebrero 13, sa Naga City, balwarte ni Vice President Leni Robredo at ng yumao nitong asawa na si Jesse, na hinangaan dahil sa istilo ng pag­lilingkod.

Aminado mang hindi pa nakikilala ng marami ang mga kandidato ng Otso Diretso, umaasa si Robredo na maipapasa rin sa kanila ang naging kapalaran niya bilang underdog ng 2016 elections.

Aniya, mahalaga ang laban sa Senado dahil ito ang kasangga ng taumbayan sa pagsupil sa mga pagtatangka ng mga ganid na abusuhin ang kapangyarihang ipinagkatiwala ng mga Pilipino sa kanila.

“Kailangan natin ng mga taong walang takot at handang manindigan para sa tama. Ang ating walong kandidato, tala­gang pinagpilian at siguradong pinakamahuhusay,” dagdag pa niya. “Kung naging posible ang ‘1% to Vice President’ noong 2016, walang dahilan para hindi natin sila maipanalo sa Senado.”

Buo ang puwersa ng Otso Diretso sa proclamation rally na dinaluhan nina Sen. Bam Aquino at Magdalo Rep. Gary Alejano; mga nagbabalik-lingkod bayan na sina dating senador Mar Roxas, dating congressman Erin Tañada; at ang mga baguhang sasabak sa politika na sina dating solicitor general Florin Hilbay, iginagalang na human rights lawyer na si Chel Diok­no, election lawyer na si Romy Macalintal, at si Samira Gutoc, isang bakwit mula Marawi na nagbitiw sa Bangsamoro Transition Commission bilang protesta sa pambabastos ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kababaihan. 

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy