Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

‘Laban ng Lahi’ lalarga sa Abril

0 102

MULING lalarga ang ‘Laban ng Lahi Platoon Run Challenge’ ng Camboayan Sports upang patuloy na matulungan ang mga komunidad sa Mindanao.

Inaasahan ni founder at organizer Joenel Pogoy, panauhin sa Tabloids Organization in Philippine Sports (TOPS) ‘Usapang Sports’ via Zoom nitong Huwebes, na dadagsain sa Abril ng mga foreign platoon runners at ng local competitors ang kumpetisyon na target makabuo ng 100,000 na mga kalahok.

Tatakbuhin ng 33 runners sa pitong adventure challenges ang 23 kilometrong distansiya.

Nabanggit din ni Pogoy sa programa na itinataguyod ng Philippine Sports Commission (PSC), Games and Amusements Board (GAB) at PAGCOR, na mabibigyan ng team penalty sakaling may isang miyembro na hindi makatapos sa pagtakbo.

Tatanghalin ang qualification challenge sa Abril habang ang National Finals sa Bislig City ay gaganapin sa Setyembre. Ang pinaka-finals ng ‘Laban ng Lahi Platoon Run Olympics’ naman ay nakatakda sa Disyembre 16-18.

Kasalukuyan nang bukas ang pagpaparehistro sa halagang P200,000 para sa Olympics entry fee.

Nagkakahalagang P10 million ang naghihintay para sa grand champion sa Olympics habang P3 million sa national finals. (Janiel Abby Toralba)

Leave A Reply

Your email address will not be published.