Una sa Balita

Laban ng Gilas, Indonesia larga

0 409

TULOY ang bakbakan ng Gilas Pilipinas at Indonesia sa first window ng 2021 FIBA Asia Cup Qualifiers.

Dahil sa coronavirus disease outbreak, postponed ang unang laro ng Pilipinas sa Feb. 20 na dapat ay iho-host ang Thailand sa Smart Araneta Coliseum.

Pero ipinatuloy ng FIBA ang hosting ng Indonesia kontra Korea sa Feb. 20 at laban sa Gilas sa Feb. 23.

Sa regional games tulad ng SEAG, laging hindi pinapaporma ng Filipinos ang Indons – huli noong December sa MOA Arena.

Pagkakataon ng Indo­nesians na ­masilat ang Gilas dahil sa homecourt nila sa Mahaka Arena sa Jakarta gaganapin ang laro. Malaking ­bagay ang sixth man ng ­Indonesia, ang crowd na gigil mabawian ang ­Filipinos.

Hindi rin lingid na nasa transition phase ang Gilas, mga bata ang karamihang nasa pool.

Bago rin ang magtitimon sa Filipinos, si interim coach Mark Dickel.

Si Kiefer Ravena na ang bagong ninombrahang captain ng Gilas squad.

Si dating Gilas coach Rajko Toroman ang strategist ng Indonesia. (VE)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More