Una sa Balita

La Viña na-recycle, Agriculture Usec na

By
0 1,049

INILIPAT ni Pangulong Rodrigo Duterte ng puwesto si Department of Tourism (DOT) Undersecretary Jose Gabriel ‘Pompee’ La Viña matapos ang dalawang buwan na nananatili nito sa nabanggit na tanggapan.

Inilabas ng Malacañang ang appointment paper ni La Viña kung saan itinalaga ito bilang Undersecretary ng Department of Agriculture (DA), ang puwestong iniwanan ng ngayon ay DOT Secretary Bernadette Romulo-Puyat.

Wala namang ibinigay na dahilan ang Malacañang kung bakit inilipat sa DA si La Viña.

Unang itinalaga si La Viña bilang komisyoner ng Social Security System pero hindi na ni-renew ang kanyang termino.

Balik-gobyerno naman ang isa pang opisyal na kabilang sa mga sinibak ni Pangulong Duterte noong nakalipas na taon.

Si Manuel Serra Jr. na naunang sinibak ng Pa­ngulo sa Presidential Commission for the Urban Poor dahil sa isyu ng malimit na biyahe ay itinalaga bilang miyembro ng governing board ng Philippine Coconut Authority kapalit ni Abundio Edicio dela Torre. ()