La Union, nilindol

By

LUNA, La Union — Niyanig ng magnitude 4.5 na lindol ang bayang ito alas-5:03 ng madaling-araw kahapon.

Batay sa ulat ng Philippine Institute of ­Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), naging sentro ng lindol ang anim na kilometro sa hilagang-silangang bahagi ng naturang bayan.

Tectonic in orgin na may 82 kilometro ang lalim ng pagyanig.

Wala namang naitalang pinsala sa naturang insidente.


SHARE