Una sa Balita

La Union barangay chairman sinubuan ng bala sa casino

0 394

TODAS ang presidente ng Association of Barangay Captains (ABC) ng Bauang, La Union matapos barilin ng kanyang kaalitan sa bunganga sa loob ng isang casino Miyerkoles ng gabi.

Kinilala nang biktima na si Bauang Municipal councilor at Barangay Pagdalagan Sur chairman Noel ‘Wowie’ Gallardo.

Habang tinukoy ang suspek na si Jeffrey Escobal, tubong-Aurora, Isabela.
Naganap ang insidente alas-siyete ng gabi habang naglala­ro ng slot machine sa e-casino ang biktima.

Nilapitan umano ni Escobal­ ang biktima at biglang ipinasubo ang barrel ng baril bago walang sabi-sabi itong pinaputukan sa bunganga.

Ayon sa pulisya, mayroong alitan ang dalawa at posibleng ugat ng pamamaril.
Tinutugis na ang tumakas na suspek. (Allan Bergonia)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy