Una sa Balita

LA, Stanley, Greg, Japeth giyera uli!

0 383

Semis 1 ngayon: (Smart Araneta Coliseum)

6:30pm — NorthPort vs. Ginebra

NASA Cloud 9 pa sigurado si coach Tim Cone at apat na players niya sa Ginebra matapos sungkitin ang SEA Games 5×5 men’s basketball gold noong Martes, babalik na agad sa court para umpisahan ang kampanya sa PBA Governors Cup semifinals.

Apat na araw matapos ihatid ang Gilas Pilipinas sa gold na pang-13 sunod at 18th overall ng bansa, panibagong giyera ang haharapin ni Cone at nina LA Tenorio, Stanley Pringle, Japeth Aguilar at Greg Slaughter.

NorthPort naman ang toka ng Gin Kings sa best-of-five semis, uumpisahan ang bakbakan mamaya sa Smart Araneta Coliseum.

Maaaring pagod ang mga nangampanya sa SEAG, pero posible ring dadalhin sa semis ang momentum ng five-game sweep hanggang gold medal match nang kalusin ang Thailand 115-81.

Kasama si Batang Pier big man Christian Standhardinger sa naglaro sa Gilas.

Sa quarters, hindi na inaksaya ng Ginebra ang twice-to-beat edge nang sipain sa isang bigwasan lang ang sister team San Miguel Beer 100-97.

Mataas ang kumpiyansa ng NorthPort na sasalang sa semis dahil No. 8 sa semis ay inilaglag ang No. 1 NLEX sa quarters.

Tinalo pa ng Batang Pier ang Gins 98-96 noong Nov. 17 sa eliminations. (VE)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy