Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

LA, Scottie, Stanley bawas sa pagkakalat

0 266

Semis Game 5 ngayon: (AUF Gym)
3:45pm – TNT vs Phoenix (series tied 2-2)
6:30pm – Ginebra vs Meralco (series tied 2-2)

Smart Clark Giga City – Turnovers ang isa sa pangunahing dahilan ng collapse ng Ginebra sa Meralco 83-80 na nagbuhol sa PBA Philippine Cup semifinals sa 2-2 noong Miyerkoles.

Sa kabuuan ay napuwersa sa 23 errors ang Gin Kings, tig-apat sina LA Tenorio, Scottie Thompson at Stanley Pringle.

Dumating ang pito sa miscues sa fourth quarter.

Nai-convert ng Bolts sa 34 points ang turnovers na ‘yun ng Gins sa larong tinampukan ng 13 lead changes at 9 deadlocks.

Natawagan ng three-second violation si Japeth Aguilar bagama’t nakabawi ng back-to-back jumpers para itulak ang Gins sa unahan 80-79.

Sa final 20 seconds, na-out of bounds si Tenorio sa pressure defense ni John Pinto na nagresulta sa long two ni Reynel Hugnatan sa kabila mula sa timeout ng Bolts.

Sa 21 na kinalawit nina Aguilar (12) at Thompson ay nakalamang pa ang Gins sa rebounding department 56-40, pero nadehado sa points in the paint 48-32.

Wala nang bukas sa magkatunggali, todo na lahat ngayon sa do-or-die Game 5 sa Smart 5G-powered AUF gym. Ang matalo, lalabas ng Pampanga bubble at maiiwan ang mananalo para harapin sa Finals ang winner sa TNT-Phoenix series na tabla rin sa 2-2. (VE)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.