Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

La Salle tuturukan mga estudyante vs COVID

0 16

Inanunsyo ng pamunuan ng De La Salle University (DLSU) na babakunahan nila laban sa Coronavirus Disease 2019 ang lahat ng kanilang mga mag-aaral.
Tuturukan lahat ng estudyante mula senior high school, college, graduate school at mga nasa law school, ayon sa DLSU.
Ani DLSU Chancellor Bernard Oca, nagdaos ang pamantasan ng sarbey noong Marso kung saan malaking porsyento ng kanilang mga estudyante ang nagpahayag ng naisin na magpaturok.
“In our collective effort to address the challenges of the COVID-19 pandemic as one Lasallian community, De La Salle University is firming up the vaccination plans for our students in senior high school, undergraduate, graduate, and College of Law students,” saad ni Oca.
“We enjoin everyone to remain vigilant and support our government’s efforts to curb the spread of the virus. We also continue to remind the Lasallian family to stay healthy, avoid crowded places, and practice proper hygiene, sanitation, and safe distancing,” dagdag pa niya.
Sa ikatlong quarter umano ng taon darating ang suplay ng bakuna para sa DLSU.
Bukod sa DLSU, babakunahan din ng Ateneo de Manila University ang kanilang mga estudyante at empleyado. (Mark Joven Delantar)

Leave A Reply

Your email address will not be published.