Una sa Balita

La Salle nakaasinta sa golden double

By
0 109

Wala na ang pambatong si Ian Lariba, pero positibo ang De La Salle na maganda pa rin ang tsansa sa pangatlong sunod na women’s title sa UAAP table tennis tournament.

Siklab ang hostilidad ng Season 79 event bukas sa Blue Eagle gym.

Nakumpleto na ni Lariba ang playing eligibility sa Lady Archers, nakarating na rin siya sa Rio Olympics, kaya kina Donna Gamilla at Jamaica Sy na aasa ang DLSU.

Related Posts

Tinuhog ng Lady Archers ang panlimang titulo sa nakaraang five seasons nang kumpletuhin ang 16-0 sweep noong isang taon. Undefeated sa buo niyang college career si Lariba.

Target naman ng Green Archers ang pang-apat na sunod na korona sa likod ni reigning MVP Walden Ledesma at last year’s Rookie of the Year Carlo Mateo. Tatangkain din ng De La Salle-Zobel na mapanatili ang girls at boys divisions crowns.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy