Una sa Balita

La Salle Lady Spikers babawiin ang trono

0 446

TARGET ng De La Salle University Lady Spikers ang balikwas ngayong taon sa pagsisimula ng UAAP Season 82 Wo­men’s Indoor Volleyball Tournament ngayong Sabado, Pebrero 15.

Hindi magpapatinag kahit kanino ang DLSU ngayong taon upang maibalik sa kanilang panig ang kampeonato sa torneo, huling naka-three-peat noong 2016-2018 bago pinalitan sa trono ng Ateneo de Manila University Lady Eagles sa nakalipas na taon

Sumablay sa Finals ang Taft-based volleybelles, nagkasya lang sa bronze medal finish, nabigo sa semifinals kontra University of Santo Tomas Growling Tigers.

Sa edisyong ito, nabawas sa lineup ng mga Lasalista ang graduated nang sina skippers Des Cheng at Lourdes Clemente.

Kaya manibat na naakatang ang kampanya sa balikat nina team captain Aduke Ogunsanya, veterans Tin Tiamzon, Michelle Cobb, CJ Saga at sophomore Jolina Dela Cruz.

Naghasa sa off-season ang Lady Spi­kers sa pagsungkit sa kampeonato ng 24th UNIGAMES 2019 sa Iloilo bukod pa sa ­training camp sa Thailand bilang preparas­yon sa UAAP.

Masusubukan kaagad ang tikas ng Lady Spikers sa opening weekend, makakatapat ang defending champions Lady Eagles sa Peb. 16 sa SM Mall of Asia Arena, Pasay. (Janiel Abby Toralba)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More