Una sa Balita

La Salle buong laro

By
0 2

Start to finish na dinomina ng defending champion De La Salle University ang UE hanggang kumpletuhin ng Green Archers ang 98-78 victory kahapon sa Mall of Asia Arena.

Tinuhog ng mga taga-Taft ang four-game winning streak sa 80th UAAP basketball tournament at sumampa sa 9-2, tumibay ang kapit sa No. 2 sa likod ng 10-0 Ateneo.

May tatlong laro pa pero sigurado na rin sa Final Four ang La Salle.

Wala na naman si DLSU coach Aldin Ayo sa postgame interview, ang ilang players niya ang humarap sa sportswriters.

“Pag-igihin pa namin ang aming laro kahit pasok na kami sa Final Four, kailangan mag-ensayo nang todo at paghandaan ang semi­finals,” ani Ricci Rivero na naglista ng 13 points para sa Archers.

Nangalabaw ng 25 points, 14 rebounds si Ben Mbala, may 14 at 13 sina Santi Santillan sa La Salle na lumayo hanggang 27 at inala­gaan na lang hanggang final buzzer.

Buong gabing binulabog ni Mbala si Alvin Pasaol pero tumapos pa rin ng 23 points at 9 rebounds para sa UE.