Una sa Balita

La salle, Ateneo maghahalo

By
0 188
Naka-ready na si Lea-Ann Perez (10) ng Adamson sa pag-ayuda kay Jellie Tempia­tura (7), sa kabila ng net ay nakaabang din ang pla­yers ng FEU. Nanalo ang Lady Tamaraws 21-25, 27-25, 25-20, 23-25, 15-11 para hatakin sa sudden-death ang PVL Collegiate Conference semis. (Patrick Adalin)

Iginapang ng FEU Lady Tamaraws ang pahirapang 21-25, 27-25, 25-20, 23-25, 15-11 panalo kontra Adamson para makapuwersa ng rubbermatch sa kanilang best-of-three semifinals series ng Premiere Volleyball League Collegiate Conference sa FilOil Flying V Centre sa San Juan kahapon.

Sa Lunes pag-aagawan ng dalawa ang isang tiket sa finals ng liga na inorganisa ng Sports Vision at suportado ng Mikasa at Asics.

Nahirapang habulin ng Lady Falcons ang malaking lamang ng Lady Tamaraws sa kalagitnaan ng first set pero nagawa nilang ibuhol sa 20-all bago nakuha nila ang ­unang frame.

Matapos ang 25-21 panalo sa first period, nagkabutas ang depensa ng AdU dahilan upang makuha ng FEU ang second at third set. 

Nagawang hatakin ng Lady Falcons ang laro hanggang deciding fifth set matapos agawin mula sa Lady Tamaraws ang fourth 25-24.

Sa decider, naglista ng dalawang krusyal na errors ang Adamson bago umeksena si Toni Rose Basas na pumutik ng dalawang drop balls at kinumpleto ng FEU ang pa­nalo, naiganti ang five-set loss sa series opener.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy