Una sa Balita

La Mesa Dam water level pinakamababa sa 21 taon

0 495

BUMABA sa 68.74 metro nitong Huwebes, Marso 14, ang water level sa La Mesa Dam, ayon sa Phi­lippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa).

Ito na ang pinakamababang water level sa La Mesa Dam sa nakalipas na 21 taon.

Ayon kay Pagasa Hydrologist Sonia Serano ang dating record ng La Mesa Dam ay noong 1998 na nasa 68.75 meters, aminado si Serramo na patuloy pa ang pagbaba ng water level sa dam lalo at hindi pa pumapasok ang buwan ng tag-init gayundin ng matinding epekto ng El Niño Phenomenon na inaasahang papalo pa sa buwan ng Abril.

Sa monitoring ng Pagasa dakong alas-sais nang umaga ay nasa 199.63 meters ang water level sa Angat Dam. Ang critical level sa Angat Dam ay 180 meters.

Sinabi ni Serrano na ginagawan na ng paraan ng Pagasa para hindi sumadsad lalo ang level ng tubig sa La Mesa Dam at isa sa kinokonsidera ay ang pagsasagawa ng cloud seeding.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy