Una sa Balita

LA grand slam sa MOA Arena

0 362

GRAND Slam si LA Tenorio sa Mall Of Asia ­Arena, sa ­Pasay venue niya kinolekta ang ­tatlong ­championship nitong 2019 season.

Huling itinaas ng 5-foot-9 guard na tubong Batangas ang tropeo ng 44th PBA Governors Cup nang itumba ng Ginebra ang Meralco sa Game 5 nitong Biyernes.

“Naging bahay ko this year ‘tong MOA, so blessed ako sa arena na ‘to,” ani LA.

Three-peat siya.

Una ang championship ng Letran sa 95th NCAA nitong Nobyembre kung saan isa siya sa assistant coaches ng Knights, pangalawa nitong December sa 30th Southeast Games.

Tinimunan ni Tenorio ang Gilas Pilipinas sa pag-sweep ng SEA Games men’s basketball ­tungo sa gold.

Dinedicate ng The ­Gineral ang ­championship sa mga kababayan at kamag-anak niya sa ­Batangas na biktima ng Taal eruption nitong January 12.

“Sana, napasaya namin sila sa ­championship na ‘to,” pangwakas na tinig ni Tenorio na ­nagmula ang angkan sa Taal. (Vladi Eduarte)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More