Una sa Balita

L.E.A.F. Award aarangkada na

0 238

Magandang balita para sa live entertainment industry na may bagong award giving body ang magbibigay ng mga parangal sa mga artistang nagtatanghal sa teatro, konsiyerto, pagsasayaw at iba pa.

Ipagbunyi natin ang pag-arangkada ng Live Entertainment Arts and Festivals (L.E.A.F) Awards.

Ang kanilang grupo ay binubuo nina Sonny O. Valencia – President; Ferdinand Isleta – Vice-President; Frank G. Rivera – VP at Chairman, Music Category; Rene Napenas – Chairman, Festival Cate­gory; Dr. Lordinio Vergara – Chairman, Dance Category at si Ibarra Mateo – Chairman, Theater Category.

Ang mga kasapi naman sa Screening Committee/ Jury Rene Bisquera, Danny Vibas, CJ Andaluz, Rique Cabaya, Mel Costuna, Phil Panganiban, Dr. Arthur Casanova at Edgar Lopez.

Ang pamunuan ng L.E.A.F Awards ay mga natata­ngi at batikang personalidad sa larangan ng sining, kultura, entertainment, theater at fashion.

March 2019 noong nagsimula ang mga kasali sa L.E.A.F na panoorin at suruin ang mga iba’t pagtatanghal kung saan pinili nila ang mga finalist para sa 52 categories,

Ano ba pagkakaiba ng L.E.A.F Awards sa iba pang award giving body na nagbibigay ng parangal para sa live entertainment? Sagot ni Ginoong Valencia: “Kakaiba ito sa ibang grupo na nagpaparangal dahil napanood namin at nasuri ang lahat ng nominadong pa­labas. Kung hindi napanood ay hindi puwedeng ma­ging nominado.”

Dagdag pa niya: “Nais ng pamunuan na mabigyan inspirasyon ang mga kabataang artista na patuloy na tinatahak ang pagkakaroon ng kabuhayan sa sining ng pagtatanghal. Ang L.E.A.F ay umiikot sa buong Pi­lipinas at binibigyan ng pagkilala lahit mga taga-paa­ralan o komunidad na mga artista. Sa mga festival ay umiikot karamihan sa aming mga kasapi o hurado.”

Ang ilan sa mga kaabang-abang na finalists para sa Theater Categories ay ang mga sumusunod:

Outstanding Musical Production – Mabining Mandirigma (Tanghalang Pilipino); Himala (9 Works Theatricals); Rak of Aegis (PETA);

Noli Me Tangere (Opera) (J&S Productions/CCP); Ang Huling El Bimbo (Full House Theater Co./Resorts World).

Outstanding Performance by An Actress in A Musical – Kim Molina (Rak of Aegis 7/PETA); Joanna Ampil (Waitress/Atlantis Theatrical); Shiela Valderama – Martinez Passion/Philippine Opera Company); Aicelle Santos (Himala/9 Works Theatricals); Krystal Kane (Spring Awakening/Ateneo Blue Repertory) at Tanya Manalang (Ang Huling El Bimbo/Full House Theater Co./Resorts World.

Para sa Outstanding Performance by an Actor in a Musical – Sandino Martin (Spring Awakening/Ateneo Blue Repertory); Vien Allen King (Passion/Philippine Opera Company); Arman Ferrer (Mabining Mandirigma /Tanghalang Pilipino); Gian Magdangal (Ang Huling El Bimbo/Full House Theater Co./Resorts World) at Da­vid Ezra (Mabining Mandirigma/Tanghalang Pilipino).

Sa kategoryang Outstanding Play ang mga finalist ay – Ang Dressing Room (Dulaang UP); Katsuri (Tanghalang Pilipino); Alyas July (Dulaang Filipino/CSB) at Nana Rosa (Dulaang UP).

Ang magtutunggalian sa Outstanding Performance by An Actress ay sina Missy Maramara ( Stop Kiss/Positive Space/Music Artes); Bibeth Orteza (Dolorosa/Tanghalang Ateneo); Peewee O’Hara (Nana Rosa/Dulaang UP); Delphine Buencamino (If He Doesn’t See Your Face/Arete Productions); Jill Pena (Dancing Lessons/Twin Bill Theater) at Jenny Jamora (Stop Kiss/Positive Space/Music Artes).

Ang maglalaban-laban sa Outstanding Performance By An Actor ay sina Roeder Camañag (Ang Dressing Room/Dulaang UP); Marco Viana (Katsuri/Tanghalang Pilipino); Jonathan Tadioan (Katsuri/Tanghalang Pilipino); Ron Capinding (Dolorosa/Tanghalang Ateneo); Brian Matthew Sy (If He Doesn’t See Your Face/Arete Productions) at Randy Villarama (Dancing Shoes/Twin Bill Theater).

Ang mga mananalo sa mga nasabing kategorya, at sa iba pang kategorya para sa sayaw, konsiyerto, festivals at iba pa ay malalaman nating lahat sa “Tertulia at Parangal” na magaganap sa RCBC Theater sa Feb 8, 2020, 3pm.

Masayang ibinalita ni Ginoong Valencia: “Excited lahat sa pagiging nominado at halos lahat ay gustong manalo dahil nais nilang maging bahagi ng unang pararangalan ng LEAF Awards.”

Para sa iba pang mga finalist sa kauna-unahang L.E.A.F Awards, pwedeng itong malaman sa kanilang official Facebook Page, ang LEAF Awards at Philippine Leaf Awards.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More