Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

KZ tinalbugan sina Sarah, Jona sa Disney

0 113

Si KZ Tandingan ang napili ng Disney na Filipino singer na umawit sa theme song ng Southeast Asia-inspired animated film na “Raya and the Last Dragon.”

Ang theme song ay isinalin sa Filipino language at may title na “Gabay”.

Pahulaan kung sino ang singer ng Disney dahil ang pagkaka-describe dito ay “one of the Philippines’ most powerful voices.

Maraming nanghula na baka ito ay si Sarah Geronimo or si Jona. Pero ang nagwagi ay ang tinaguriang Asia’s Soul Supreme na si KZ Tandingan.

Ire-release ang “Gabay” on March 5 kasabay ng Disney+ premiere ng Raya and the Last Dragon sa United States.

Proud si KZ sa pagkakataon na binigay ng Disney sa kanya.

“I am proud to be part of history. I grew up watching Disney movies. Finally, there is a Disney Princess who I can feel a very strong connection to, and that is Raya as the first one inspired by Southeast Asia. I love that the song reminds us that sometimes we feel we are weak, especially when we are alone, but if we just learn to trust each other, to come together, and to unite, only then are we able to change the world.”

Si Lea Salonga ang unang Pinoy na kinuha ng Disney para awitin ang theme song ng 1992 animation na Aladdin (A Whole New World) at ng Mulan (Reflection) in 1998.

Kinuha rin ng Disney si Janella Salvador para awitin ang How Far I’ll Go from Moana (2016); Moira Dela Torre for Reflection para sa live action version ng Mulan (2020) at sina Darren Espanto and Morissette Amon (A Whole New World for the live action version of Aladdin (2019). (Ruel Mendoza)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.