Una sa Balita

KZ Tandingan-TJ Monterde ‘kasal’ na

0 747

Sa pagtatapos ng Pebrero, isa pang sorpresa ang bumulaga sa mga fan nang mag-upload ang celebrity couple na sina KZ Tandi­ngan at TJ Monterde ng kanilang tila wedding photo.

Sa picture na in-upload ng dalawa, nakasuot ng all-white coat and slacks si KZ na may bello at may hawak na bulaklak habang white inner polo, beige coat and slacks naman si TJ.

Bumuhos agad ang pagbati sa dalawa ng “congratulations” kahit hindi pa talaga kumpirmado kung kasal na nga ba ang mga litratong in-upload nila o bahagi pa rin ng kanila pre-nup shoot.

Nakalagay kasi sa caption ni KZ “28” lang, which is ang date din mismo kung kailan niya in-upload ang picture. So ang tanong ng marami, nitong 28 ba naganap ang kanilang kasalan?

Maski ang kanilang mga kaibigan sa showbiz ay nalito. Gaya ni Martin Nievera na close talaga sa kanila ay napa-comment at sinabing “Did you do a Matteo and Sarah?” (kumbaga, secret wedding).

Sa post naman ni TJ, “sa a­king soon-to-be, happy 28” ang caption niya, which leads everyone to confusion talaga.

Gayunpaman, masayang-masaya ang lahat sa kanila at binabati sila ng “best wishes”. (Athena Yap)

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More