Una sa Balita

KZ Tandingan pinadapa si Jessie J sa singing contest sa China

By
0 2,704

Toast of the town si KZ Tandingan dahil tinalo niya noong Biyernes ang popular English singer na si Jessie J sa fifth week ng second season ng Singer 2018, ang Chinese version ng Korean reality show na I Am Singer.

Ang jazzy rendition ng hit song na Rolling in the Deep ang kinanta ni KZ sa talent show ng Hunan Television sa Changsa, Hunan ng South Central China.

Bumilib sa singing talent ni KZ si Jessie J at ang studio audience ng Hunan Television na ­literal na napanganga sa powerful performance ng Filipina singer.

Dati nang magaling kumanta si KZ pero kung hindi pa siya sumali sa Singer 2018 at kung hindi pa niya natalo ang isang sikat na international­ singer, hindi mapapansin ang kanyang husay na normal na nangyayari at dilemma ng mga Filipino artist na kailangan pa na subukan ang kapalaran sa ibang bansa at kapag sumikat doon, saka pa lang nabibigyan ng pagpapahalaga ng mga kababayan natin.

Maraming beses nang kinakanta ni KZ sa mga concert ang sariling version niya ng Rolling in the Deep kaya effortless ang kanyang performance sa Singer 2018 pero noong Biyernes lang na-appreciate ng mga Pilipino.