Una sa Balita

KZ sikat din sa Japan dahil sa Singer 2018

By
0 1,477

Dahil sa sunod-sunod na work at sa pagsali na rin sa Singer 2018 sa China, nagbakasyon naman kamakailan sa Japan si KZ Tandingan kasama ang boyfriend na si TJ Monterde, ilang kapamilya at ilang mga kaibigan.

In fairness, pati ilang mga Japanese ay nakilala si KZ nang magpunta sila sa Tsukiji Market. May isang grupo nga raw ng Japanese na nagtanong kay KZ kung siya ‘yung sa Singer 2018 ng China.

Aba, in fairness, hanggang sa Japan, nakikilala na si KZ dahil sa Singer 2018, huh!

Bale short vacation nga lang pala ‘yung Japan trip nina KZ dahil bumalik kaagad siya ng bansa dahil pinag­hahandaan naman niya ang Supreme MOA Arena concert niya on June 22.

First major concert ito ni KZ at sa MOA Arena pa nga, kaya kailangan daw talaga niyang tutukan ito. May ilang big name na akong na­rinig na magge-guest sa concert na ito ni KZ.