Una sa Balita

Kyusi, mapapasigaw ng tubigggg!!!

By
0 2

Siguradong mayayamot ang mga taga-Quezon City dahil mawawalan ng supply ng tubig ang 300,000 consumer ng Maynilad sa loob ng halos dalawang araw.

Sa abiso ng Maynilad, 15 barangay ng QC ang maaapektuhan ng water interruption na tatagal mula alas-otso ng gabi ng Disyembre 5, araw ng Lunes hanggang sa alas-kuwatro ng hapon ng Disyembre 7, araw ng Miyerkules.

Kabilang sa mga barangay na mawawalan ng tubig ang sumusunod:

Abante Hiring – IT dep

Apolonio Samson, Baesa, Bahay Toro, Bungad, Damayan, Del Monte, Katipunan, Mariblo, Paltok, Paraiso, San Antonio, Sangandaan, Talipapa, Tandang Sora at Veterans Village.

Ayon sa Maynilad, kailangan nilang palitan ang depektibong balbula sa kanilang 4-foot-diameter primary line sa Tandang Sora Avenue upang matiyak na hindi magkakaproblema sa kanilang distribution system.

Kailangang kumpunihin ang nasabing tubo matapos makumpirmang depektibo ang balbula nito.

Pero paglilinaw ng Maynilad, hindi tatagal ng lagpas sa dalawang araw ang pagkumpuni sa water line at magpapadala rin ng water tankers ang kumpanya para suplayan ng tubig ang mga apektadong residente.