Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Kyrie-Westbrook swap tinatrabaho

0 114

AKTIBONG pinag-uusapan ngayon ng mga koponan ng Los Angeles Lakers at Brooklyn Nets ang trade sa pagitan ng kanilang dalawang star players na sina Russell Westbrook at Kyrie Irving.

Positibo umano na mabuo ang usapan sa pagitan ng dalawang teams ngayon offseason, bagaman, maraming mga balakid ang kinokonsidera ng dalawang kampo.

Isa ang draft compensation sa patuloy na pinag-uusapan sa panig ng Nets, kung saan gusto na si Joe Harris, na kasalukuyang nagpapagaling sa kanyang ankle injury, at ang kanyang natitirang $38.6 milyon na utang sa susunod na taon ay mapasama sa deal, ay ayon sa source.

Ngunit sa panig ng Lakers, hindi nito nais na maisama sa usapan si Harris, sa halip ay hangad nila na isama ang sharpshooter ng Nets na si Seth Curry na magtatapos ang kontratang may halagang $8.5 milyon.

Ginamit ng mga manlalarong sina Irving, 30, at Westbrook, 33 ang kanilang players option upang ipasok sa huling taon ng kanilang mga kontrata para sa 2022-2023 season na may halagang $36.5 milyon at $47 milyon, ayon sa pagkakasunod.

Sa kabila nito ay hindi naman nagmamadali ang Nets para sa nasabing Irving-Westbrook swap, at patuloy na humihingi din opinyon at suhestiyon sa kalahati ng miyembro ng liga, na nagtatangkang sakyan naman ang hiling na trade ni Kevin Durant simula pa sa pag-uumpisa ng free agency. (Annie Abad)

Leave A Reply

Your email address will not be published.