Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Kyrie ‘wa epek’ balik sa Nets

0 185

BUMALIK na si Kyrie Irving mula sa sariling kagagawang pitong larong pagliban, nabuo sa unang pagkakataon ang Big 3 nila nina Kevin Durant at James Harden sa Brooklyn.

Pero ipinakita ng ipinagwawasiwasang Cleveland na kayang talunin kahit ang star-studded lineup ng Nets.

At si Collin Sexton lang pala ang katapat ng Big 3. Si Sexton na lumiban pa sa limang laro ng Cavaliers dahil sa sprained ankle.

Tumabo si Sexton ng 42 points kabilang ang panablang tres sa harap ni Irving bago ang buzzer na tumapos sa first OT, at hiniya ng Cavs ang dumayong Nets 147-135 sa double-overtime nitong Miyerkoles.

Umiskor si Irving ng 37 laban sa dating team. Ngayon lang ulit nakalaro si Kyrie sa Cleveland sapul noong opening night ng 2017 season matapos i-trade sa Boston.

Sinalansan ni Sexton ang 15 points niya sa second OT – karamihan sa harap ni Irving. Sa loob ng 55 seconds, dalawang 3 pa ang ibinaon ni Sexton bago sinubuan si Taurean Prince para sa isa pang long distance bomb.

Kasama si Prince sa itinapon ng Brooklyn para makuha si Harden mula Houston. Nagsumite si Prince ng 17 points sa kanyang Cavs debut.

Na-break in din sa Cavs ang isa pang kasama sa Harden trade mula Nets na si Jarrett Allen na umayuda ng 12 points, 11 rebounds off the bench.

Namuno ang 38 points ni Durant sa Nets, nagdagdag ng 21 si Harden. (VE)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.