Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Kyrie nasiko sa mukha

0 194

HINDI natapos ni Kyrie Irving ang 115-107 win ng Brooklyn laban sa Chicago nitong Martes.

Sa third quarter, nakipagsalpukan si Irving kay Bulls center Nikola Vucevic habang parehong paangat sa rebound. Sapul ng siko ni Vucevic sa mukha si Irving.

Ayon kay Nets coach Steve Kerr, sumailalim sa initial X-ray ang All-Star guard sa United Center sa Chicago pero “inconclusive” pa ang resulta.

“They need to further scan,” paliwanag ni Nash. “I don’t know if it’s the swelling or what.”

Umiskor ng 13 points mula 4 of 10 shooting si Irving, may 3 rebounds at 5 assists sa loob ng 21 minutes.

“He mixes it up a lot with the big fellas, so he might catch an elbow here and there,” komento ni Kevin Durant sa walang takot na pakikipagsabayan ng kakampi sa mga malalaki. “And Kyrie, he plays with such toughness and competitiveness.”

Nagsumite si Durant ng 21 points, 8 assists para pamunuan ang walong Nets na naka-double digits.

Hindi kinayang ibalik ng 41 points ni Zach LaVine ang Bulls, humugot pa ng 12 points, 12 rebounds at 6 assists kay Vucevic. (VE)

Leave A Reply

Your email address will not be published.