Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Kyrie, Brooklyn alpas sa Wizards

0 158

NANGIBABAW ang Brooklyn Nets sa wild finish kontra Wizards 119-118 Miyerkoles ng gabi sa Capital One Arena sa Washington.

Nilista ni Kyrie Irving sa first half ang 22 sa kanyang 30 points para giyahan ang Brooklyn (28-16). Nag-ambag ng 27 points si LaMarcus Aldridge, tumapos si James Harden ng 18 points, 8 rebounds at 9 assists.

Sumandal ang Washington (23-22) sa 23 points, 9 assists ni Bradley Beal at 16 markers ni Kyle Kuzma.

Umahon mula 16-point down ang Wizards bago nanindak sa isa sa 3 ni Kuzma 36 seconds na lang.

Mintis ang tres ni Irving, hindi nakuha ng Washington ang rebound pero blinangka ni Montrezl Harrell si Harden kaya bumalik sa Wizards ang bola.

Hindi tumawag ng timeout ang hosts, binigay kay Kuzma pero kabyos ang tira. Kinalawit ni Harrell ang rebound pero sablay din ang 3-pointer ni Spencer Dinwiddie sa final seconds. (VE)

Leave A Reply

Your email address will not be published.