Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Kyrie bagsak sa ankle injury

0 155

UMARINGKINGKING sa sakit si Kyrie irving ng Brooklyn Nets matapos ang masamang landing nito sa kanilang laban kontra Milwaukee Bucks kahapon sa second round playoffs sa Eastern Conference ng 2020-2021 National Basketball Association.

Natapakan ni Irving ang paa ni two-time Most Valuable Player (MVP) Giannis Antetokounmpo sa second quarter at namilipit ito sa sahig.

Nakalakad naman si Irving sa locker room at sa halftime ay hinayag na hindi na makakabalik sa laro sa Game 4 ang one-time champion.

“Irving was in significant pain,” ayon sa report ni Rachel Nichols ng ESPN.

Nakapaglagak si Irving ng 11 points sa kanilang 96-107 talo sa Bucks kaya naman tabla na sa 2-2 ang serye sa Eastern Conference semifinals.

Samantala, lumiliyab na ang laro ni Antetokounmpo nang umalis ng playing court si Irving sa kalagitnaan ng second quarter, lamang ang Milwaukee, 44-40.

Pinamunuan ni Antetokounmpo ang opensa para sa Bucks matapos magtala ng 34 puntos at 12 rebounds. (Elech Dawa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.