Una sa Balita

Kyline tinanggi ang relasyon sa katrabaho

0 405

Walang isyu kay Kyline Alcantara na ipares siya kay Miguel Tanfelix. Every Sunday ay may special dance number sila kasama sina Mavy Legaspi, Shayne Sava, Lexi Gonzales at JD Domagoso.

Nataon naman na hindi kasama sa show ang ka-love team ni Miguel na si Bianca Umali.

“Okey naman po kami ni Miguel. Pareho po kaming walang problema sa isa’t isa.

“We’re both professionals po kaya ang mga ginagawa naming dalawa ay part ng trabaho namin,” diin pa ni Kyline.

Diretsahang sinabi ni Kyline na never daw nanligaw sa kanya si Miguel at hindi raw niya priority ang magkaroon ng love life ngayon.

“Hindi po nanligaw si Miguel sa akin. Para matapos na rin po ang haka-haka sa aming dalawa. At saka, wala po akong nagiging love life pa.

“Though of course, gusto ko rin naman na may matatawag akong inspirasyon or special someone, pero okey na po ako sa walang love life.” (Ruel Mendoza)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More