Una sa Balita

Kyline, Therese bongga ang tarayan sa 2019

0 742

abante-talbog-joe-barramedaMay bagong aabangan ang mga manonood kay Sunshine Dizon. Hindi lamang siya bibida sa upcoming GMA show na “Inagaw Na Bituin,” kundi kakanta rin siya.

Kuwento ni Sunshine, “Masaya po! Nakaka­ilang taping na rin kami. Bago ‘to! Ma-e-excite kayo dito kasi first time kong gaganap na artista at singer. Yes, kakanta ako dito. Masusubukan ang galing kong kumanta.”

Siguradong kaabang-abang ito dahil maririnig umawit ng mga viewer si Sunshine sa serye. Pati ang mga Kapuso teen stars na sina Kyline Alcantara at Therese Malvar ay magpapamalas din ng kanilang natatanging talento.

Sa katunayan, nag-record na ng kanta ang dalawa na gagamitin bilang isa sa theme song ng serye. Nako, exciting talaga! Bongga ang tarayan, patalbugan nina Therese at Kyline sa 2019, ha!

Paolo, Alessandra movie ibinalik sa sinehan

May maagang pamasko ang mga bida ng “Through Night and Day” na sina Paolo Contis at Alessandra de Rossi dahil ibinalik muli sa mga sinehan ang kuwento nina Ben (Paolo) at Jen (Alessandra) sa SM Megamall, SM North, SM Fairview, SM Manila, SM Sta. Mesa, SM Southmall, SM Marikina, SM Bacoor, SM Cebu at SM I­loilo.

Natutuwa naman ang Kapuso actor dahil mas marami pang mapapasaya at mapapa­iyak ang kanilang mga karakter sa pelikula na naging isa sa mga tinutukang romantic-comedy movies ng taon.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More