Una sa Balita

Kyline sinugod,sinabunutan ng mga fan sa Pampanga

By
0 1,196

Bongga na naman ang kaganapan sa muling pagbabalik ni Kyline Alcantara sa mall show na ginawa naman sa SM Telabastagan, sa San Fernando, Pampanga naman.

Kung nalungkot ang mga taga-Lubao sa hindi pagdalo ni Coco, sobrang enjoy naman ang mga taga-San Fernando sa pagpapasaya sa kanila ng Mall Show Princess.

As usual, punumpuno ng mga utaw ang 1st at 2nd floors ng SM Telabastagan at nakakabingi ang sigawan nang kantahin ni Ky ang Parang Baliw, Sundo at ang single niyang Fake Love.

Walang katapusan na namang habulan ang nangyari papunta sa van nina Ky dahil sa pagsugod ng mga faney at kitang-kita naman kung paano nasabunutan na naman ang Sunflower Princess.

Nahablot o may humablot sa kanyang buhok dahil sa excitement sa kanya, pero dedma lang naman si Ky dahil parang kinasanayan na niya ang mga ganitong insidente.

Kalurks!