Una sa Balita

Kyline natulala kay Nora

0 451

Diretsahang tinanong si Kyline Alcantara kung bakit ang intense raw ng pagkaka-link sa kanilang dalawa ni Miguel Tanfelix na until now, napag-uusapan pa rin ito.

Sabi nga namin kay Kyline, ang tagal nang natapos ang seryeng pinagsamahan nilang tatlo noon nina Bianca Umali at kung saan din lumabas ang isyu sa kanila ni Miguel.

“Well, wala naman po talagang naging kami. Never pong naging kami,” nakangiting sabi niya.

May nagsabi na may gumawa raw ng kuwento.

“Hindi ko po alam, wala po akong alam, dyusko Lord!,” natatawa na napapatakip ng mukhang sagot ni Kyline.

Civil naman daw sila ni Miguel at natapos naman daw agad ang isyu noon at mas naging close pa nga raw silang cast.

Pero kung civil lang sila ni Miguel, hindi nila na-retain ang friendship nila? Kaya sabi namin kay Kyline, may concious effort sila na hindi na maging masyadong close o makitang magkasama?

“Wala naman po, wala naman pong ganong pagtatago o ine-effortan pa namin.”
Kung sakali man daw na pagtambalin sila ulit sa mga future project niya, wala raw magiging problema sa kanya.

Pero sa ngayon, sila ni Yasser Marta ang magkapareha sa teleserye ng 1989 movie ng Superstar na si Nora Aunor.

Sa isang banda, sabi namin kay Kyline, malakas siya sa network dahil naibigay agad sa kanya ang wish niya na makasama ang idolo na si Ate Guy.
“Ang sarap po sa pakiramdam as an actress and si­yempre, as bata at sino bang artista ang hindi nangarap na makasama sa isang eksena si Ms. Nora Aunor.

“Ako nga po kahit manood sa eksena na nandoon siya, okay na sa akin, how much more pa ‘yong ka-eksena ko siya. Dream come true po talaga, “ sabi pa ni Kyline na aminadong natutulala sa mga eksena nila ni Nora.

Andi pinuri ng mga fan
sa pagpapadede kay baby

Positibo ang impact sa netizens ng bagong buhay na pinili ni Andi Eigenmann with her present partner, ang kilalang surfer na si Philmar Alipayo.

Kapag walang trabaho which is, mas lamang sa ngayon kay Andi, nasa Siargao ito talaga lalo na at meron silang pinapagawang mala-airbnb.
Nakita ng netizens ang mala-360 degrees daw na pagbabago ni Andi. Mula sa controversial lovelife niya, kahit ‘yong madalas na issue sa kanilang mag-ina na si Jaclyn Jose.

Ngayon, mas tahimik, mas relax at simple ng buhay ni Andi. Enviromental advocate rin ito at sabi nga niya, ‘yong hindi niya nagawa noon sa panganay na anak na si Ellie, ‘yon ang ginagawa niya bilang Nanay ngayon sa ikalawang anak.

Breastfeeding, without yaya talaga na pinupuri ng netizens.

Ilan sa mga comment, “Nakikita kong genuine ‘yong saya ni Andi.”

“Great to see her happy and conten­ted with her simple life with her family.”

“Happy to see you Andi. The best choice in your life.”
Kahit na sa Siargao na naka-base at nag-iba na ng lifestyle, kapag may proyekto raw na okay siya, gagawin pa rin daw nito.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More