Una sa Balita

Kyline natotomboy sa ganda ni Bianca

By
0 3,498

Magkaaway man on-cam ang mga karak­ter ng Kapuso actress na sina Bianca Umali at Kyline Alcantara, BFFs o best friends forever naman ang peg nila in real life.

Sa katunayan, natutuwa ang kani-kanilang followers tuwing sila ang bida sa Instagram stories nila. Kahapon nga, good vibes ang hatid ng IG story ni Bianca nang ipakita niya ang isang funny moment sa kanila ni Kyline backstage.

Binigyan kasi siya nito ng flowers na tila nanliligaw habang dinig naman sa background ang tawa ni Bianca. Ay, nagkakatomboyan na ba ang mga bidang ito? Kaloka, ha!

Kunsabagay, sa ganda ni Bianca, kahit ang mga totoong babae ay nagkakagusto talaga sa kanya. So, natotomboy na ba si Kyline kay Bianca?

Gabbi at Serena unahan sa pagsakay sa kotse ni Ruru

Matapos patuloy na mahalin ng taong bayan si Kapuso heartthrob Ruru Madrid bilang si Sherlock Jr. na napapanood sa GMA Telebabad, may bago na namang rason para siya ituring na #goals ng kanyang mga tagahanga.

Siya kasi ang pinakabagong winner sa GMA weekend program na All-Star Videoke. Mind you, hindi lang siya panalo ha. Dahil panalong-panalo siya with almost half a million pesos na cash at nakapag-uwi rin siya ng brand new car!

Ibang klase si Ruru, ‘di ba? Pero ang tanong ngayon, sino kaya ang unang sasakay dito: si Serena na bago niyang BFF o si Gabbi Garcia?

Rhian, Max, Lovi game over na kay Dennis

Hindi maikakailang gabi-gabing sinusundan ng Kapuso viewers ang kwento ng The One That Got Away kung saan mapapanood ang kakaibang friendship na mabubuo sa pagitan ng mga bida nitong sina Rhian Ramos (Zoe), Max Collins (Darcy) at Lovi Poe (Alex). Kaya naman ngayong nalaman na ni Zoe ang planong pag-alis ng kanilang ex-boyfriend na si Liam (Dennis Trillo), game over na nga ba ang laban sa kanila?

Gayumpaman, sawi man sa Valentine’s Day sina Zoe, Darcy at Alex, may ipapakilala namang tatlong Valentine baes si Zoe sa kanila.