Una sa Balita

Kyline nasugatan, Nasabunutan sa Bataan

Halos mahubaran

By
0 6,123

Obviously ay masasabing isa na talaga sa mga Mall Show Princess ang Kapuso star na si Kyline Alcantara.

Hindi lamang iisang beses kundi ma­raming beses nang ‘winasak’ niya ang entablado ng mga mall sa iba’t ibang panig ng Kamaynilaan o sa labas man nito, tuwing siya ay nagkakaroon ng mall show o mall tour.

Ayon sa administrator ng mga ito, isa na nga si Kyline sa may record sa ating mga celebrity na overflowing ang attendance ng mga taong gustong mapanood ang kanilang featured artist.

Naibalita na kung paano halos itigil na ang show sa Savemore, Pampanga dahil maging stage nila ay inokupa na ng mga tao at kinakailangang sa hagdan na ng elevator siya mag-perform.

Marami nang kuwento tungkol sa magnet na taglay ng La Nueva Kontrabida pagda­ting sa mga event na ganito, at ang pinakahuli nga ay ang mall show niya with Jeric Gonza­les sa VistaMall, sa Bala­nga, Bataan na ma­ging ang mga guwardiya ay hindi alam ang gagawin upang pigilan ang mga tao na sumugod kay Kyline.

Sabi nga ng mall admin, pinataob talaga ni Kyline ang attendance ng record-holder nilang si Piolo Pascual sa sob­rang dumating nanood na bawat floor ay punumpuno ng mga tao.

May iba pa ngang naging unruly dahil pumasok si Kyline na punit ang kanyang t-shirt at may sugat pa sa daliri niya. Meron din daw humatak sa kanyang buhok at may kumurot sa kanyang tagiliran.

Bukod pa rito, may mag-iinang lahat ay nasugatan dahil nga sa stampede na nangyari at buong akala namin ay mawawasak talaga ang mga glass display dahil sa pagtakbo ng mara­ming tao sa loob ng department store.

Witness kami sa parang domino na tumumba at nagpagulung-gulong sa sahig ang ibang batang babae kasama ang manager ni Kyline na si Manny Val­lester na natumba at napa-upo sa floor.

Sa kabila ng maraming security guard at marshal ang umalalay sa dalawa na talagang mahigpit, pero hindi kinaya ang mga nagsugu­rang fan, kaya humingi na lang ng dispensa ang mall staff at inasikaso naman nang ma­ayos ang mga nasaktan na hind naman ganu’n kalala.

Malakas talaga ang tandem nina Kyline at Jeric dahil domoble ang mga miron nang malamang naroon ang KyRic, kaya puro dispensa ang hiningi ng VistaMall admin sa mga nasaktan at maging kay Kyline dahil kinulang talaga sila ng security force.

Anyway, masaya namang umuwi ang dalawang Kapuso star dahil muli nilang napasaya ang kanilang mga tagahanga at ‘Sunflowers’ ni Ky.
Yun na!