Una sa Balita

Kyline na-shookt sa regla

By
0 681

Naaliw ang mga follower ni Kyline Alcantara sa kanyang Twitter account nu’ng manawagan ang Kapuso actress tungkol sa naging karanasan niya matapos siyang pumasok sa isang restroom sa may Ayala, Feliz Marcos Highway.

Nabungaran ni Kyline ang naiwang sanitary napkin na gamit sa cubicle na pinasukang restroom.

“Sa may meron po na nag-cr dito sa Ayala Feliz…you’re welcome, flinush ko regla niyo. Utang na loob naman po paki-flush naman po next time ha, hahahaha. I got shookt eh,” sabi ni Kyline.

Idinaan ni Kyline sa isang masayang karanasan ang sitwasyon, kahit nakakadiri ang nabungaran niya, dahilan para maaliw sa kanya ang kanyang mga fan.

@aesthetic_kyyy, “Swerte ni Ate. Isang kyline Alcantara pa ang nag-flush, HAHAHAHAHA!”

@2004aikodm, “For sure paglabas ni Kyline sa cr tawang-tawa siya hanggang sa ikwento nya na sa mga kasama nya HAHAHA, napakabungisngis mo pa naman tapos ng cute lalo pag tumatawa sa bay labasan mga dimples mo @2002kyline.”