Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Kyline, Mavy super lambingan sa Sorsogon

0 24

Kinilig ang mga fan sa mga photo na lumabas nina Mavy Legaspi at Kyline Alcantara habang nasa lock-in taping sila ng ‘I Left My Heart In Sorsogon’.

Nakunan ng video ang eksena nina Mavy at Kyline habang naglalakad sa isang beach resort sa Sorsogon.

Kitang-kita ang kilig ng dalawa habang binibigyan sila ng instruction kunsaan sila dapat maglakad habang nagkukuwentuhan.

Nakaangkla si Kyline sa braso ni Mavy at ang sweet nilang tingnan. Inamin naman ni Mavy na crush niya si Kyline at napapangiti siya nito parati.

Tiyak na mas marami pang kilig ang aabangan sa loveteam nina Mavy at Kyline sa ginagawa nilang teleserye. (Ruel Mendoza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.