Una sa Balita

Kyline, Manolo sinalubong ng balyawan, sigawan sa Dagupan  

By
0 710

May following na talaga ang KyNolo na sina Kyline Alcantara at Manolo Pedrosa dahil sa kanilang mall show sa CSI Mall, sa Dagupan City ay sinalubong ang kanilang pagpu-promote together ng “Inagaw Na Bituin” na magsisimula sa araw na ito, February 11 nang mga balyahan at sigawan sa nasabing mall.

Given na malakas talaga si Kyline sa mga mall show at ilang beses na naming nasulat dito ang mga nangyayari tuwing nasa stage siya, pero dagdag lakas talaga si Manolo sa audience impact.

Hindi naman binigo ng dalawa na mga nag-abang sa kanila dahil sweet-sweetan pa rin sila on stage na tipong vibes na vibes na talaga bilang newest love team ng Kapuso network.

Nandun din pala si Therese Malvar na nakadagdag sa hiyaw ng mga tao, at mukhang love rin siya dahil alam nilang magaling itong aktres katulad ni Kyline.

Anyway, happy naman ang KyNolo sa isa’t isa at super excited nga sila sa pagsisimula ng show nila today.

Personally, nagiging close na nga sila dahil ini-encourage ni Manolo na mag-gym na si Ky kahit nagba-boxing na rin ito kapag may time.

Pati ang diet regime niya ay sini-share na rin niya sa kanyang leading lady.

At observe nga raw ni Therese na pak na pak ang kakulitan ng dalawa na maging siya ay nadadala nito.

Isang masayang pa­milya raw sila sa set kaya malayong magkaroon ng puwang ang mga intriga sa pagitan nilang dalawa.
Naman!

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy