Una sa Balita

Kyline makikipagkabugan kay Julie Anne

Rayver halimaw sa dance floor

By
0 456

All-star cast cast ang pinaka­bagong musical-variety show ng GMA 7 na Studio 7.

Aba, tinambakan ito ng magagaling na mga performer at singer na mga Kapuso katulad nina Julie Anne San Jose, Christian Bautista, Mark Bautista, ang kalilipat pa lang na si Rayver Cruz, Kyline Alcantara, Migo Adecer, Gabbi Garcia, ang Legaspi twins na sina Cassy at Mavy, ang grand winner ng The Clash na si Golden Cańedo at ang runner up nitong si Josh Adornado.

Dahil sa league of performers na ito, ini-expect na ng mga netizen na isa na namang bonggang varie­ty show ang kanilang mapapanood lalo na’t matagal ding hindi nag-mount ng ganitong show kahit meron siyang Sunday Pinasaya na may iba rin namang approach of entertainment. Marami ring possibility ang inaabangan ng lahat.

Ita-try kayang sapawan ni Josh si Golden to prove na mas deserving siya bilang grand winner?

Lalo nga bang ipu-prove ni Julie Anne na siya pa rin ang Asia’s Pop Sweetheart?

Makikipagsabayan ba si Kyline dahil sa titulo niyang La Nueva Diva?

How about sina Cassy at Mavy? Bonggang dance moves ba ang ipapakita ng da­lawa na swak sa mga millennial?

At si Rayver na halimaw din sa dance floor, ano’ng bago pa ang ipapa­kita niya?

Abangan sa Oct. 14 and every Sunday, 7:40 sa gabi para a­liwin nila tayong lahat, devah?

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy