Una sa Balita

Kyline ‘La Nueva Diva’ dumaan sa maraming pagsubok

0 338

abante-paistaran-dondon-serminoWinner sa mga komento, likes, at views ito, na talagang mistulang nagkaroon ng chat room sa YouTube at Facebook ang mga Sunflowers, na nagpaulan ng kanilang mga mensahe.

Pero sabi nga ni Kyline, hindi niya inilalagay sa utak, sistema niya ang kasikatan. Hindi nga raw niya ninanamnam na sikat na siya ngayon.
“Hindi ko po talaga iniisip ang kasikatan. Ang inisip ko lang ngayon ay kung paano ko pagbubutihin ang craft ko, passion ko. ‘Yung kasikatan wala po sa isip ko ‘yon.”

Pero naman Kyline, kung super dagsa ang mga tao sa mall, na tipong hindi ka na makaakyat sa stage dahil sa mga fan mo, na isinasara ang mall dahil sa patuloy na pagdami ng mga tao, hindi pa ba sikat ang tawag sa ganun?

For sure, marami na ngang pagbabago sa buhay mo. Na marami ka na ring hindi nagagawa sa ngayon.

“Hindi na ako nakakapunta sa mga sikat na malls na maraming tao. But still po pinipilit ko pa rin ang team ko na magpunta kami sa ganun. Sabi ko sa kanila, wala naman makakakilala sa akin. Pero pagdating sa mall, big­lang may mga tao na lalapit na sa akin. Sabi lang nila, ‘sabi namin sa’yo, di ba?’

“Pero sabi ko, okey lang ‘yon, kasi kaya nga ako nag-artista para makilala ng lahat ng mga tao, bakit natin itatago sa kanila? Bakit ako magtatago sa kanila?

“Minsan pinipilit nila ako na mag-jacket, mag-cap, mag-shades, pero ayoko talaga. Sabi ko talaga, kaya nga ako nag-artista dahil gusto ko na makilala ako ng mga tao.”

Siyempre, pinangarap naman talaga niya ang sumikat.

“Well of course in-imagine ko sa utak ko ito way, way back. Ngayon na nangyayari na ito, kapag may dumara­ting na trabaho, wini-welcome ko agad. Ang gusto ko lang bigyan ako ng trabaho, ako na ang bahala. Kahit walang tulog, okey lang, basta mara­ming trabaho.”
Ano pa ba ang mga bagay na hindi niya nagagawa nga­yon?

“Sa pagba-bond ko with my non-showbiz friends, hindi ko na masyado magawa. Pero, mas naa-appreciate ko ang presence nila ngayon, na in-accept nila ako dito sa roller coaster ride na buhay ko.”