Una sa Balita

Kyline kabado sa laban kina Maymay, Kisses, Sofia

By
0 176

Win or lose, a-attend si Kyline Alcantara sa darating na Star Awards for Music 2018 na gaganapin sa Resorts World sa Linggo, September 9. Ang Kapuso teen actress ay nomina­ted sa kategoryang Best New Female Recording Artist of the Year dahil sa cover single niya na “Sundo”.

Ayon kay Kyline, hindi siya umaasa na mananalo lalo na’t kapwa niya nominated sina Maymay Entrata, Kisses Delavin, Sofia Romualdez at iba pang newbies sa recording pero hanep din ang kanilang panlaban na single o album.

First-ever nomination niya ito kaya magkahalong kaba at excitement ang nararamdaman niya.

Alam naman ng lahat na bukod sa pag-arte ay ang pagkanta talaga ang hilig niya kaya nga happiness overload siya na released na ang kanya ring kauna-una­hang self-titled album sa GMA Records at bukas ng na rin ang kanyang concert na “Kyline Take Flight sa Skydome,  SM The Block”.

Yes, bukod sa Star Awards, ang resulta ng birthday concert niya bukas ang nagbibigay stress sa kanya ngayong araw na ito. But being the real trooper that she is, positive-thinking lagi siya at alam niya na everything will turn out right.

Hiling nga niya sa Itaas, na pa-birthday sana sa kanya ang successful concert at kauna-unang award niya sa Star Awards.
Good luck! (Glenn Regondola)