Una sa Balita

Kyline hinamon ng sampalan si Cherie Gil

0 489

By Ruel Mendoza

Natawa ang mga nag-i-in-terview kay Kyline Alcantara sa kuwento nito na sobra siyang na-starstruck sa award-winning actress at primera kontrabida na si Ms. Cherie Gil.

Inamin noon ni Kyline na isa si Cherie sa iniidolo niya pagda-ting sa pag-arte. At ang pagiging kontrabida nito ang siyang nagi-ging inspirasyon niya sa pagganap niya noon sa teleserye na “Kambal Karibal.”

Ngayon ay magkasama sila sa “StarStruck Season 7.” Online host si Kyline ng “Inside StarStruck” samantalang isa sa StarStruck Council si Cherie.

Nagkaroon daw ng pagkakataon si Kyline na ma-interview si Cherie para mahingan niya ng comments tungkol sa mga “StarStruck” hopefuls. Pero noong makaharap na raw niya si Cherie, walang lumabas na boses kay Kyline.

Hindi naman napi-gilan ni Kyline na mag-request kay Ms. Cherie.
“Nag-request po ako kay Ms. Cherie na sampalin niya ako.

“Nasa bucket list ko po talaga na magpapasampal ako kay Ms. Cherie Gil.
“Natawa lang po siya sa akin. Akala niya hindi ako serious!” sabi ni Kyline.

Pero hoping pa rin si Kyline na one day ay madadampian ng sampal ang kanyang pisngi ng idolo niyang si Cherie Gil.

“Sana po magkasama kami sa isang teleserye. ‘Yung magkakasagutan kami sabay sasampalin niya ako. That will be the day at ipo-post ko talaga ‘yan sa social media na I am proud to be slapped by Ms. Cherie Gil!”

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy