Una sa Balita

Kyline, Darren magkaibigan lang

Bawal pang magka-dyowa

0 455

Close friend ang description ni Kyline Alcantara sa relasyon nila ngayon ng Kapamilya young singer na si Darren Espanto.

Binigyang-linaw ni Kyline ang pa­ngungulit ng kanyang Sunflowers, sa tanong sa kanya ng marami sa online show naming “Abantelliling” sa Abante News Online ni Dondon Sermino na mapapanood twice or thrice a week sa Facebook at YouTube at @abante_tnt.

Nu’ng Monday ang guesting ni Kyline na hindi pinalagpas ng kanyang avid fans na kating-­ka­ti na malaman kung ano ba ang real score sa kanila ni Darren. Ayon kay Kyline, matagal na silang magkaibigan ni Darren at hanggang ngayon ay nananatili pa rin ang closeness nila.

Hindi na lang masyado silang lumalabas ng Fil-Canadian singer dahil parehong hectic ang kanilang schedule pero tuloy-tuloy pa rin daw ang kanilang communications.

Hindi nanliligaw si Darren, ito ang isa pa sa nilinaw ni Kyline, at kahit may mga gustong manligaw sa kanya ay wala pang freedom ang tinaguriang ‘La Nueva Kontrabida’ na mag-boyfriend lalo at magsi-sixteen years old pa lang siya sa September.

Naka-focus din naman si Kyline sa kanyang career na patuloy na luma­lakas, kaya wala siyang panahon sa lovelife.

Pinaghahandaan na rin ni Kyline ang kanyang first major concert na gagawin sa Skydome ng SM North ngayong September.

Ayaw magsabi ni Kyline kung magiging guest pa niya si Darren sa kanyang concert, pero alam daw niyang aba­la sa kanyang career ang bagets.

Pero may mga inimbitahan daw ang team niya ng ilang mga tao na malalapit sa kanyang buhay at career.

Tungkol sa isyu niya sa mga fan ng ibang mga artista, ayaw nang magsalita pa ni Kyline para hindi na rin ito humaba. Basta, nananatiling magkaibigan sila ni Bianca Umali na co-star niya sa “Kambal, Karibal” noon.

Sabi ni Kyline, sa dami na rin ng pinagsamahan nila ni Bianca bilang magkaibigan, sila na ang nagkakaintindihan.

Kim Domingo nagparetoke ng mukha

Sumailalim sa isang beauty enhancement ang Kapuso seductress na si Kim Domingo. Sa ganda ni Kim na parang isang diwata, hindi pa rin ito kuntento sa kanyang beauty kaya may ipinaretoke ito.

Nakabalandra sa Instagram wall ni Dra. Vicki Belo ang ilang mga larawan ng mukha ni Kim sa iba’t ibang anggulo, harap, semi-side view at profile angle. May caption ang dalawang photo ni Kim na ‘before & after’.

Ipinapakita sa larawan ang kaibihan ng ‘baba’ ni Kim, bago pa ginawa at matapos itong gawin.

Makikita naman ang pagbabago sa itsura ni Kim na mas lalo pa itong gumanda matapos magparetoke.