Una sa Balita

Kyline ‘da hu’ pa rin

By
0 3,267

Nasa bahay lang kami noong isang gabi kaya natutukan namin ang ilang primetime series. Isa sa pinanood namin ay ang Kambal, Karibal ng Kapuso network.

Naintriga kami lalo although, from time to time ay napapanood namin siya, pero naintriga kami lalo sa narinig na­ming komento ng isang kaibigan na, ‘maganda kasi yung kuwento, kakaiba’.

Pero, isa sa tinutukan namin ay itong si Kyline Alcantara. Nababasa kasi namin ang mga reviews at comments sa kanya ha. Aminin, marami pa rin ang napapa-‘da hu?’ sa Kapuso star na ito, pero bakit ang ganda ng mga reviews sa acting niya sa Kambal, Karibal.

So, ‘yun na nga, effective nga palang umarte. So, mas dapat abangan lalo na ng mga talagang sumusubaybay ng serye at tumutok ngayong Biyernes at sa Lunes. Bongga ang episode dahil ito na yung pagpapaalis ng kaluluwa o spiritual liberation ni Crisel (Pauline Mendoza) sa katawan ni Cheska (Kyline).

Mataas ang ratings ng Kambal, Karibal. Maganda ang nangyari sa serye mula sa umpisa nila na hindi ganun kabongga pero habang tumatagal, paakyat nang paakyat ang ratings nila. At kung ganun ang nangyayari, dapat happy lang lahat, lalo na sa mga bagets na bida nito na sina Miguel Tanfelix at Bianca Umali.

Hindi na dapat i-nega o siraan. Kasalanan ba nila kung nakakaya nilang magdala ng primetime series? Huh!