Una sa Balita

Kyline, Bianca kinukutya sa ‘Dobol, Tripol Trobol’

By
0 209

Sa “Daig Kayo Ng Lola Ko: Dobol, Tripol Trobol”, ibabahagi ni Lola Goreng (Gloria Romero) ang kuwento nina Bianca at Kyline bilang ang kambal-tukong magkapatid na sina Ella at Emma.

Lumaki silang kinukutya at pinagtatawanan ng ibang tao dahil sa kanilang kakaibang kondisyon. Palagi mang magkadikit, madalas mag-away ang da­lawa dahil sa malaki nilang kaibahan sa isa’t isa.

Napagdesisyunan ng kanilang mga magulang na hanapin ang Magical Scarecrow na nagsumpa sa kanila para mapaghiwalay na sina Ella at Emma. Matutupad na kaya ang hiling ng kambal na magkahiwalay? Magkakasundo pa kaya sila?

Abangan ang kanilang adventures sa “Daig Kayo Ng Lola Ko” simula ngayong gabi (September 2) sa GMA.