Una sa Balita

Kylie Verzosa, niratrat, binastos ng Alden-Maine fans!

By
0 6

Kinuyog ng bashers ang outgoing Miss International na si Kylie Verzosa sa pahayag niyang si Alden Richards ang gusto niyang makasama kung sakaling pasukin niya ang pag-arte.

Ipinahayag ito ng beauty queen nang ma-interview siya sa 24 Oras nitong nakaraang mga araw.

I found peace in your violence 🖖🏽 TV guesting today 🎤

A post shared by Kylie Verzosa (@kylieverzosa) on

Umiral siyempre ang selos sa AlDub Nation na ayaw paghiwalayin ang loveteam nina Alden at Maine Mendoza, huh! May mga nagsabi kay Kylie na hanggang pangarap na lang ‘yon sa kanya, dahil si Alden ay para lang sa idolo nilang si Maine.

Na kesyo hinding-hindi mapupunta sa ibang babae si Alden, kahit na beauty queen pa ito. Para sa kanila, hinding-hindi mangyayari ‘yon, kaya itigil na raw ni Kylie ang paghahangad niyang makapareha si Alden.

Ang bigat naman, ‘di ba? Ang harsh nila kay ­Kylie.

Well, dinepensahan din naman si Kylie ng kanyang followers sa panla­lait sa kanya ng ilang fans ng AlDub. Giit nga nila, dapat magpa­salamat ang kampo ni Alden na siya ang napili ni Kylie, na isang international beauty queen.

Anyway, kesa tugunan ang mga basher niya, sa huling post sa Instagram ng Miss International, heto ang caption niya, “I found peace in your violence. TV guesting today.”

Taray, ‘di ba? Pang-beauty queen pa rin talaga ang sagot!