Una sa Balita

Kylie Verzosa ‘kinapa-kapa’ si Coco

0 91

Si Miss International 2016 Kylie Verzosa ang karagdagan sa listahan ng mga dumarami na contract star ng Viva Films at Viva Artists Agency.

Pumirma kahapon si Kylie ng kontrata sa movie company ni Boss Vic del Rosario kaya tuloy-tuloy na ang pagpasok niya sa showbiz, matapos ang kanyang reign bilang Miss International.

Introducing si Kylie sa Ang Panday na co-production venture ng Viva Films, Star Cinema at CCM Film Productions, ang movie outfit ni Coco Martin.

Diwata ang role ni Kylie sa Ang Panday at kinunan ang mga eksena niya noong Miss International pa siya. Sinabi ni Kylie na sikreto ang shooting niya para sa pelikula ni Coco na official entry sa 43rd Metro Manila Film Festival.

“Super-saya ko po and super thankful na nakasama ako sa Ang Panday.

Once in a lifetime experience ko na makasama ko ang ganitong cast, si Coco. Super-thankful ako.

“At first, hindi ako makapaniwala na personal choice ako ni Coco. I was surprised na pinili ako. Unang salang ko, feel ko naman kaya kong umarte.

“‘Yung first day, kinakapa ko ‘yung pagtapon ni Coco ng lines. Kakapain ko pa kung paano ko sasaluhin. Kung paano ko sasabihin ‘yung lines ko.

“Medyo secret namin ‘yung shooting before ko i-pass ang Miss International crown para surprise.

“Kinunan ‘yung mga eksena ko sa Tanay, Rizal at sa Tagaytay City,” ang kuwento ni Kylie tungkol sa kanyang mga karanasan sa unang pagsabak niya sa pag-arte.

Kung mabibigyan ng pagkakataon, pangarap ni Kylie na maging pangmatagalan ang showbiz career niya.

“Sana po pangmatagalan, kung mabibigyan ng chance. I want to try other avenues. Acting is always something I’ve wanted to try, to expand my skills,” ang pahayag ni Kylie. 

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy