Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Kylie, Rayver umaming nag-date

0 571

Handa na si Kylie Padilla na gumawa ng teleserye sa GMA. Gaganap siya bilang billiard genius sa bagong teleserye.

“I’ll really be honest. Never pa akong nag-billiards. Hindi ko siya ma-grasp! But when I did lessons yesterday, nagkaroon ako ng confidence na kaya ko pala with the right teachers,” sey ni Kylie na ang mga coaches niya ay ang billiard masters na sina Johann Chua at Geona Gregorio.

Ang makakasama ni Kylie sa untitled teleserye ay walang iba kundi si Rayver Cruz. Nakatrabaho na raw ni Kylie si Rayver sa isang pelikula noong 2014 titled Dilim. Minsan na ring inamin noon ni Rayver na nag-date sila ni Kylie ng ilang beses.

“Nakaka-excite kasi okay kasama si Rayver eh, masayang tao rin naman siya eh. Eh ‘di ba ‘pag ganyan, matagal-tagal mong makakasama ‘yung tao so kailangan jive kayo,” sey pa ni Kylie sa reunion nito with Rayver.

Handa na raw si Kylie sa mahabang lock-in taping para sa pagbibidahan niyang teleserye. (Ruel Mendoza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.