Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Kylie proud na reyna ng mga bading

0 18

May mga ugaling bading nga ang mga bida ng pelikulang ‘Bekis on the Run’ na sina Diego Loyzaga, Christian Bables, Kylie Verzosa, Sean de Guzman.

Mga ugaling nakuha rin nila sa mga nakakasama nilang bading sa buhay.

“Laki akong pageant, sila (gay community) ang gumawa sa akin, mga ‘mama-mamahan’ ko. Ang laki ng pasalamat ko sa gay community.

“Sa ugali, pareho kaming mga dreamer. Malaki ang aspiration namin sa life. Nakikita ko sa kanila na malaki ang mga pangarap nila na they always persevere to achieve. At saka yung pursigido talaga sila na ma-achieve ang goal nila. Magandang trait `yon. Hardworking din sila.

“Magaling silang magpatawa, na mahirap na ang sitwasyon, itatawa na lang nila. Nakakagaan sila ng loob,” sabi ni Kylie, na tinanghal din na reyna ng mga bading idolo ng mga bading, dahil sa pagwawagi niya bilang Miss International 2016.

Ganun din daw ang natutunan ng mga boylet sa mga bading na nakakasalamuha nila, na hindi dapat problemahin nang husto ang mga problema, na mas magandang pag-isipan kung paano ito solusyunan, at idaan sa tawa ang lahat.

Idaan sa tawa ang lahat, lalo na raw ngayon na sobrang hirap ng buhay, dahil nga sa pandemya, dulot ng virus. Madalas nga ay nakakaranas pa rin sila ng anxiety.

“Sa ibang part ng mundo bukas na, pero tayo heto pa rin. Hindi mo napu-fulfill ‘yung connection na kailangan with your friends, and family. Pero siguro, dahan-dahan lang. Patuloy kong inaalagaan ang mental health ko,” sabi ni Kylie.

“You know nangyari na sa akin ‘yan noong 2018. Very difficult for me. Kinaya ko naman kaya nandito pa ako. I had to do some self realizing kung ano ang gusto ko, and it was difficult, it wasn’t overtime.

“Sana sa ibang tao, na may nararanasan din na ganito, sana malampasan din. Alamin mo ang kahinaan mo. Like itong pandemic, marami ang wala sa control mo. Hindi mo alam kung mahahawa ka.

“Life is always a process. And I’m happy I learned in that process,” sabi naman ni Diego.

“Na-depress ako noon, na dumating sa point na nag-attempt akong mag- suicide, pinapa-doctor na ako kasi halo-halo na lahat problema ko, financially, sa family, sa babae.

“Hindi ko na kinaya talaga, pero sa tulong ng pamilya, nalampasan ko naman,” sabi ni Sean.

“Natatakot ako sa maraming bagay. Natatakot na akong lumabas. Natatakot ako para sa family ko. Pero hindi naman puwede na tumigil ang buhay dahil may pandemya.

“Constant battle, na any moment baka may mangyari sa pamilya mo. Thru prayers talaga dapat,” sabi ni ni Christian.

Oo nga naman, idaan sa dasal ang lahat. At siyempre, maging masaya dapat sa maraming sitwasyon. At malaking tulong daw kung manonood ng mga masasayang pelikula na tulad ng ‘Bekis on the Run’ na dinirek ni Joel Lamangan para sa Vivamax. (Dondon Sermino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.