Una sa Balita

Kylie panakot si Digong sa mga sex offender

By
0 454

Ang huling kandidata para sa Batch 3 ng “Abante Babe Ganda Mo, Teh!” ay ang 24 years old na si Kylie Pearce. Siya ay taga-Quezon City na may taas na 5’5” at vital stats na 34-26-36.

Masayahin si Kylie dahil ang panuntunan niya ay positive mind + positive vibes = positive life.

Mas bet ni Kylie na sa noo siya halikan kasi mas feel daw niya na mahal na mahal siya ng boyfriend niya.

“Maraming beses na akong nakatanggap ng indecent proposal pero tinatanong ko bakit,” aniya sa mga gustong matikman ang alindog niya.

Banta niya sa gumagawa ng sexual harassment, “Tumigil na kayo, maga­galit si Duterte.” At payo sa mga biktima nito, “Extra careful, bago lumabas ng bahay, mag-pray na muna para ­i-guide ni Jesus.”

Ano ang lamang niya sa ibang kandidata? “Malakas ang loob ko. Makapal mukha ko, over-over ang pagka-confident ko,” ang natatawa niyang sabi.

Para naman bumoto, gupitin ang article na ito kay Kylie Pearce, Abante Babe #8-Batch 3 (70% ang katumbas) at lakipan ng logo ng Abante na may petsa, lagyan ng pa­ngalan ng nagpadala, address at telepono.

May sorpresang premyong nakalaan sa mabubunot na Abante reader buwan-buwan at may tsansa na makapanood sa grand coronation. Ipadala ito sa Abante sa 3rd floor Karrivin Plaza Building, 2316 Chino Roces Avenue Extension, Makati City. Puwede ring sumadya sa opisina at ihulog sa drop box.

Mahigpit na ipinagbabawal na lumahok ang mga empleyado at kamag-anak ng PRAGE Management Services hanggang sa se­cond degree of consanguinity.

Puwede ring mag-like online sa kanyang photo para sa karagdagang puntos (30%). Bisitahin ang Abante News Online Facebook page, Abante­TNT sa Instagram at sa website na www.abante.com.ph.

Creative Director: Roldan Castro; Project Director: Mikel Alip; Photographer: JR Noses; Makeup: Cut Encarnacion Group of Salon; Creative Team Ehl Jhey Madrigal, Carla Craven, Jhosa Han.