Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Kylie kampi sa Palestine vs Israel

0 82

Nakisimpatiya si Kylie Padilla sa gulong nagaganap ngayon sa pagitan ng Israel at Palestine. Ito ay bunsod nang sunod-sunod na nagaganap na bombahan, na nakasugat, kumitil na ng maraming buhay.

Sa IG post ni Kylie idinaan ang sama ng loob niya sa mga taong walang pakialam sa isyu ng human rights, at sa mga walang paninindigan sa nagaganap sa mundo.

“One cannot advocate for racial equality, lgbt & women’s rights, condemn corrupt & abusive regimes and other injustices yet choose to ignore the Palestinian oppression. It does not add up. You cannot pick & choose whose human rights matter more,” sabi ni Kylie.

Nakuha ng mga netizen ang hinaing ni Kylie na sumusuporta ito sa mga Palestinian, o nagngingitngit ito sa Israel.

Jennylyn, Dennis matamis ang tukaan sa party

Sabay na nag-celebrate ng birthday sina Jennylyn Mercado at Dennis Trillo kahit magkahiwalay ang araw ng kanilang kapanganakan.

Si Dennis ay noong May 12, at si Jennylyn ay May 15.

Sa Instagram account ng @dennistrillo.fp, mapapanood ang video kung saan sabay na hinipan ng magkasintahan ang isang cake. Matapos hipan ang cake, nagtukaan dinsila.

Nakasulat sa caption ang ‘birthday celebration with friends’.

Posibleng may plano ang magdyowa sa mismong birthday ni Jennylyn, kaya naman nagsabay na sila ng intimate gathering sa kasama ang kaniang mga kaibigan.

Christian iniyakan ang trabaho

Naluha si Christian Bautista sa bagong project na dumating sa kanyang singing career, sa gitna ng pandemya. Pinoste ni Christian ang ilang photo para sa lalabasan niyang musical series, ang ‘Sing’.

Makakasama sa project sina Julie Anne San Jose, at iba pang theater actress.

Sabi ni Christian kung bakit siya bakit emosyonal ay dahil matagal na raw siyang hindi nakakahawak ng script. Ngayon lang daw siya uli nakaramdam ng saysay bilang singer.

Kaya noong sinabihan daw siya na mag-audition ay sumagot agad siya ng yes.

Anyway, lock in production ang sistema nila. Sa isang paid channel ipalalabas ang serye.

Tali super bibo, pinabilib mga fan

Patuloy sa pagpapakitang-gilas ang anak nina Vic Sotto at Pauleen Luna na si Talitha. Humahakot ng maraming view, like, comment ang pagiging bibo ni Tali.

Unang pinabilib ng bata ang mga netizen sa kakayahan niyang magbilang gamit ang anim na lenguwahe.

Sumunod ay ang kakayahan niyang awitin ang Pinoy nursery rhyme na ‘Alimango’.

Pangatlo ay ang pagsabay sa TikTok dance ng mommy niya.

Ngayon pa lang hinuhulaan na ng mga netizen na susundan ni Tali ang yapak ng mga magulang sa showbiz.

Neri napagkamalang si Karylle

Namalik-mata ang mga fan ni Neri Miranda nang mapagkalaman na siya si Karylle. Nasa Instagram ni Neri ang glammed-up makeover niya, at marami ang nag-comment na n sa unang tingin ay parang siya si Karylle.

Mula sa mga mata, ilong, bibig at anggulo para nga siyang alter ego ni Karylle.

Maxene inaatake ng depresyon

Inaatake ng depression at anxiety si Maxene Magalona. Halos isang taon nga silang namalagi sa Bali, Indonesia ng mister niyang si Rob Mananquil.

At ngayong nasa Pilipinas na sila, sinabi niyang hindi niya akalaing makukulong siya sa loob ng bahay dahil sa mga safety restriction sa NCR.

Leave A Reply

Your email address will not be published.